Saturday, December 30, 2006

Love

"After you stand, try to sit.
When you are tired, just rest."
Try to do this in love.
Don't insist if it is not for you.
If you can't bear the pain, try to quit.
Find somebody who will love you.
And if you can't find, try to wait.
Love will last when you know how to do the
opposite of what it asks.

Akala ko Hindi Mo Ako Mahal

Nakatabi kita sa bus noon. Tila malayo iniisip mo noong mga panahon na iyon. Napansin ko tumulo ang mga luha mo sa mata at mahinang napahagulgol. Naawa ako sa iyo at ibinigay ko ang panyo ko. Mapait kang ngumiti ng kinuha mo ito sa akin.

"Pasensya ka na naabala kita sa pagtulog mo." Sabi mo noon sa akin.

"Ok lang 'yun." Nginitian kita.

"Naglayas kasi ako sa amin. Pilit akong ipinapakasal ng Tatay sa lalaking di ko gusto."

"Ganoon ba? Eh saan ang tungo mo?" Usisa ko.

"Hahanapin ko ang bahay ng classmate ko sa Manila. Doon muna ako makikipanuluyan hanggang makapanganak ako."

Buntis ka noon kay Dindin. Anak ng lalaking gustong ipakasal sa iyo ng iyong Ama. Nahabag ako sa 'yo kaya nagmagandang loob ako na ihatid ka sa bahay ng kaklase mo. Sa kasawiang palad lumipat na pala ng tirahan ang kaklaseng hinahanap mo. Sa hindi ko malamang dahilan ay inalok ko ang aking munting studio na tinitirhan. May maliit itong kwarto.

“Magtiwala ka mabait akong tao. Doon ka muna sa studio ko tumira habang hinahanap mo kung nasaan ang kaklase mo.”

“Maraming salamat. Nararamdaman ko naman na mabait ka.”

Kinausap ko ang aking kasera sa pagtira mo sa aking munting tahanan. Tiningnan ka muna ni Mrs. Reyes bago ito pumayag. Hindi mo na natagpuan kung nasaan ang kaklase mong hinahanap. Masipag ka at masinop sa bahay. Maganda pala sa pakiramdam ang may nag-aasikaso sa bahay. May nahakandang almusal sa umaga at hapunan sa gabi. Hindi na rin ako dumadalaw sa laundry shop kasi nilalabhan mo na mga damit ko. Pero di ako nagkukulang sa pag-alaga rin sa iyo. Ako ang kasama mo kapag nagpapacheck up ka at madalas ay inaako ko na ako ang ama ng dinadala mo.

“Nahihiya na ako sa ‘yo.” Minsang sabi mo sa akin noong nagmimirienda tayo sa McDonalds. Katatapos mo lang magpre-natal check up. Kabuwanan mo na. Ang bilis talaga ng panahon.

“Ako nga itong dapat mahiya kasi inaasikaso mo mga pangangailangan ko.”

“’Yon lang naman kaya kong gawin para masuklian ka.”

“Ang drama mo talaga. Hindi ako magtataka kapag naging iyakin yang anak mo paglabas nya.”

Tumawa ka. Ah nakita ko na naman ang malalim na biloy mo sa kaliwang pisngi. Sa mga oras na iyon naramdaman ko ang kakaibang pintig na iyon sa puso ko. Matagal na panahon ng huli kong naramdaman ito. Ang mga sumunod na araw ay masaya para sa akin lalo na kapag nakikita kita tuwing umaga. Pag-uwi ko naman sa gabi ay di ko nakakalimutan dalhan ka ng mga pasalubong. Lumulundag ang puso ko kapag nakikita kang tuwang-tuwa kapag kinakain mo ang mga bilin mong pagkain sa akin.

“Bakit ang bait-bait mo sa akin?” Minsan naitanong mo.

Hmm…sasabihin ko bang mahal kita? Ahh…hindi pa dapat baka mailang ka kapag sinabi ko iyon.

“Lumaki kasi akong walang kapatid na babae.” Ang isinagot ko na lang sa iyo.

“Dapat pala Kuya ang itawag ko sa ‘yo.” Biro mo sa akin.

“Di pwede kasi alam ni Mrs. Reyes magkalive-in tayo.”

“Hmmm…sabagay mas gusto ko iyon para di na nagtatanong ang mga tao sa labasan kapag bumibili ako sa tindahan.”

“Di naman ako kahiya-hiya maging live-in mo di ba? Pogi naman ako at responsible.” Pagbibiro ko.

Tiningnan mo ako ng matagal. Ibinaling-baling mo ang mukha ko. “Responsible siguro pwede…pero yung una…Ayoko kasi ng merong bigote eh. Mukhang kontrabida.”

Alam kong nagbibiro ka. Matagal ko na ngang di inaahit ang bigote ko. Pero sabi ng mga kaopisina kong babae ‘yon daw ang nagbibigay sa akin ng appeal. Pero para sa iyo kahit ano aahitin ko. Kaya noong umagang nag-aalmusal tayo napansin ko ang lihim na mga ngiti mo at ang pagsulyap mo sa malinis kong nguso.

“Pogi na ba ako?” Biro ko sa kanya bago ako lumabas ng pinto.

Pansin ko rin na namula ang mga pisngi mo. Inayos mo ang kwelyo ng polo ko at nagtama ang mga mata natin. At sa mga oras na iyon hindi ko na napigilan ang aking sarili. Hinalikan ko ang mga labi mo. Napaurong ka. Kumunot ang mga noo mo. Ako man ay nabigla rin.

“I’m sorry…” Nagmamadali na akong umalis.

Sa opisina maghapon akong nag-iisip. Hiyang-hiya sa ginawa ko. Baka isipin mo nagsasamantala ako. Na sinisingil na kita sa mga kabaitang ginawa ko sa iyo. Malapit na ang alas 5 ng hapon. Nagring ang telepono ko. Si May!

“Sam manganganak na yata ako. Masyado ng masakit ang tiyan ko.”

“Ok. Relax lang. Hintayin mo ako. Kung hindi mo na kaya humingi ka ng tulong kay Mrs. Reyes. Paalis na ko rito.”

Halos paliparin ko ang kotse para makauwi ng bahay. Laking gulat ko ng pagbukas ko ng pinto ay naghahain ka ng hapunan natin. Naguguluhan.

“Akala ko manganganak ka na?”

“False alarm. Nawala rin ang hilab. Magpalit ka na ng damit. Nagluto ako ng paborito mo.”

Napaupo ako sa pagod dahil sa pagmamadali. Mabuti na lamang at masarap ang pagkain ng gabing iyon. Kapwa kami nanonood ng telebisyon ng umupo siya sa tabi ko. Nagbalat sya ng mga mansanas.

“Masarap itong dala mong mansanas.” Wika nya.

“Mabuti naman nagustuhan mo.”

“Tikman mo…” Sinubuan mo ako.

“Naku aantukin ako mamaya nito.” Biro ko sa kanya.

“Eh di matulog na tayo.” Walang gatol mong sinabi.

“Di pa ko inaantok eh.” Sabi ko. “Tsaka dito naman ako sa sala natutulog.”

“Ayaw mo sa kwarto matulog?”

Napatingin ako sa kanya. “Yung nangyari kanina hindi ko sinasadya iyon. Ayokong akalain mo na naghihintay ako ng kapalit sa mga kabaitan kong ginagawa sa ‘yo.”

“Alam ko. Noong hinalikan mo ba ako kanina wala lang para sa ‘yo iyon?” Seryoso mong tanong.

“Matulog ka na. Masama napupuyat ang buntis di ba?” Sagot ko sa kanya. “Matutulog na rin ako maaga pala ako sa opisina bukas. Meron akong tatapusing trabaho.”

Nakita ko ang paglungkot ng mga mata mo. Pilit kang ngumiti. Tumayo ka at pumasok na ng kwarto. Pero iniwan mong nakaawang ang pinto. Naiwan ako sa sala na matagal na nakatitig sa nakaawang na pinto. Nagtatalo ang isipan kung susunod ba ako sa kwarto para tumabi sa iyo o hindi. Lumulundag ang puso ko. Ano pa ba ang hinihintay ko. Ahhh…bahala na. Nakatagilid ka sa kama pagpasok ko ng kwarto. Marahan akong humiga sa tabi mo para hindi ka magising. Dahan-dahan kitang niyakap at hinawakan ang kamay mo. Walang pagsidlan sa tuwa ang nararamdaman ko ng humarap ka sa akin at sumiksik ka sa dibdib ko. Nabasa ang pisngi ko ng idampi mo ang mukha mo sa aking mukha. Umiiyak ka pala noon.

“Bakit?” Tanong ko.

“Akala ko hindi mo ako mahal.” Bulong mo. Humihikbi ka pa rin.

Hinagkan ko ang labi mo. “Mahal kita May. Marahil noong una pa kitang nakita sa bus noon sa Lemery. Hindi ko palang alam noon.”

“Talaga?!” Sumilay sa maamo mong mukha ang matamis na ngiti mo.

“Nagbibiro ba ang pogi mong asawa?”

“Asawa?! Pogi?!” Tila nanunudyo ka.

“Oo. Bukas pakakasal tayo. Para hindi maging illegitimate ang baby natin. Pero dapat pumayag kang Pogi nga ako.” Biro ko.

“Hahahahaha…siyempre pogi ang magiging asawa ko kasi maganda ako. Huwag ka ng aapila.”


--- End --

Wednesday, December 27, 2006

Excerpts from a warm cup...

I nod. Looking at the way you hesitate to take my hand,
resting so near yours,
I know you are already gone.
I will make it easy for both of us,
I tell myself I will forget the feel of your hands on my skin.
I will smile and tell you that I'm happy for you because thats
what you want to hear and that is what I want to believe.
I will not hope you will be back soon nor say that I wish I
were going with you.
Instead, I will keep in mind that there is nothing between us anymore.
Its just that the coffee is too warm, and I am so cold...

Tuesday, December 26, 2006

Ako'y Computer Shop Owner Ikaw Ay Call Center Agent

Goodnight ko ay good morning sa 'yo.
Pag-idlip ko nama'y sya namang oras ng pagiging abala mo.
Ako'y nananaginip na ikaw nama'y nagyoyosi break pa.
Sa pagbaling ko sa aking kama sya namang una't mo sa iyong silya.
Sa paggising ko mamayang umaga sya namang oras na ikaw ay maiidlip na.