Sunday, February 17, 2008

Nandito Naman Ako...Mga Tampuhan Chapters

Mga Tampuhan 1

(1 February 2008, Jahan, Wa, Upper West, Ghana, West Africa)


Kanina pa walang kibo si Cindy magmula ng sunduin ko siya sa opisina. Ilang beses ko ng tinanong pero puro wala ang sagot.


“May problema ka ba sa opisina?” Usisa ko sa kanya.


“Wala.” Mahina niyang sagot. Nakatingin ito sa bintana ng kotse.


“May dinaramdam ka ba?” Usisa ko uli.


“Wala.” Muli niyang sagot.


“Eh kung wala bakit ka nagkakaganyan?”


Inirapan niya ako. Napakunot ang aking noo. “May period ka ‘nu?”


“May period ba ako kagabi?” Umirap uli.


Napangiti ako. Kagabi ay nagmake love kami. “Buntis ka?”


“Wish ko lang…” Bulong nito.


“Gusto mo ng ice cream?” Yun ang suhol ko sa kanya kapag wala siya sa mood.


“Ayoko…”

Hanggang sa makarating kami sa bahay ay masungit pa rin ito. Pagkabihis ay dumirecho ng kusina at nagluto ito. Ako naman ay nanood ng tv sa sala. Makalipas ang 2 oras ay tinawag na niya ako para maghapunan.


“Spaghetti!” Napangiti ako. “Uy meron cake!”

Di pa rin siya kumikibo. Bumuntunghininga siya ng malalim.


“Ano okasyon?” Usisa ko. “Di ba tapos na birthday mo? Ahh napromote ka?”


“Kumain na tayo…” Mahina niyang sagot.


May kumatok sa gate. Isang boquet ng mga rosas ang tinanggap ko mula sa mensahero.


“Roses para sa ‘yo. Sino na naman kaya itong admirer mo?!” Nag-aanyong nagseselos ako. Inabot ko sa kanya.


Binasa niya ang tarheta. Nang sulyapan niya ako ay nakangisi ako. Di ko inaasahan na malaglag ang luha sa mga mata ng aking asawa.


“Akala mo nakalimutan ko ‘nu?” Niyakap ko siya. “Happy Anniversary Darleng!”


“Happy Anniversary Sam.” Hinalikan niya ang labi ko. May kinuha siya sa bulsa ng kanyang palda. Isinuot niya sa kaliwang kamay ko ang gintong bracelet. “Wag mo yang iwawala ha?!”

“Cindy loves Sam…” Binasa ko ang naka-engrave sa ibabaw ng bracelet. “Talaga?”

“May duda ka ba?”

Niyakap ko ng mahigpit ang aking asawa. Muli hinagkan ang mga labi niya.

Mga Tampuhan 2


Wala sa kanyang mesa si Cindy ng sunduin ko siya ng tanghali na ‘yon. Di rin masabi ng mga kaopisina niya kung nasaan siya. Pero nababasa ko sa kanilang mga sulyap na meron silang itinatago. Nang mainip ako ay nagtungo ako sa canteen nila sa fifth floor. Sa sulok ng canteen overlooking ang Ortigas Center naroon si Cindy at isang pamilyar na lalaki. Nang mapagsino ko ang lalaki ay umakyat lahat ang dugo ko sa ulo. Gusto ko suntukin ito at ihulog sa building. Gusto ko rin sampalin si Cindy. Pinakalma ko muna ang sarili ko bago ko sila nilapitan.


“Hi. May I join you?” Matiim kong wika. Nakatingin ako kay Cindy.


Tumingala ang lalaki. Tumayo ito. “We’re just finished. Dinalaw ko lang si Cindy to say hello. Iwan ko na kayo.”


Parang nakakita ng multong umalis ang dating kasintahan ni Cindy. Umupo ako sa binakanteng upuan nito. Nakatingin pa rin ako sa kanya. Nakabakas ang galit at maraming katanungan. Di ako kumikibo.


“Napadaan lang siya Sam. Paalis na siya for Canada bukas.”


Di pa rin ako kumikibo. Kumukirot ang puso ko.


“Kumain ka na ba?”


“This is the second time you did this thing to me…” Nasabi ko na lang.


Di ako naglasing tulad ng una. Nang dumating ang weekends ay nag-out of town akong mag-isa. Ginugol ko ang mga araw sa tabing dagat ng San Juan, Batangas. Dito ako nagpupunta kapag gusto kong makalimot sa mga problema ko. Pero di tulad noon na madali akong makabawi pagkatapos ng 1 weekend. Masyado akong nasaktan. Gusto kong huwag na munang umuwi ng matagal-tagal. Di ko sinasagot mga texts nya. Pati na rin ang mga tawag niya sa cellphone ko. Namamanhid pa ang puso ko. Pero kailangan ko nang umuwi para sa aking trabaho. Ibang Sam ang umuwi sa aming bahay. Tahimik, malungkot at hindi na malambing. Madalas sa sopa sa sala na ako natutulog. Nagigising na lang akong may kumot. Hindi nagbago ang routine mo sa bahay. Pero di na tulad noon na masaya tayo. Wala na ang biruan. Di na rin tulad noon na yakap kita hanggang makatulog tayo. Minsan narinig ko isang madaling araw ang mga hikbi mo.


“Baket?” Usisa ko.

“Namimiss ko ang asawa ko.” Sagot mo. “Namimiss ko si Sam.”


Huminga ako ng malalim.


“Promise di na ako makikipag-usap sa kahit sinong lalaki. Bumalik lang siya.”


“Masyado naman yatang magiging mukhang seloso ang asawa mo kapag ginawa mo yan.”


“Ano ba gusto niya? Gagawin ko bumalik lang siya.”


Manhid pa ang puso ko. Ipinikit ko ang aking mga mata at pinilit matulog. Bukas Biernes gusto ko bumalik muli sa San Juan. Nang ihatid kita sa opisina mo ay nagbilin kang daanan kita.


“Gusto ko pumunta ng Batangas mamaya.” Wika ko.


“Pupunta rin ako ng Batangas mamaya…” Hinagkan mo ang pisngi ko bago ka bumaba.


Ng weekends na ‘yun kasama kita. Dala mo ang mga bagong bikini at two piece na binili mo ng madalian. Sa restaurant nakita natin ang dati kong girlfriend.


“Hey Sam!” Niyakap at hinalikan ako nito sa pisngi. “You look good.”


“Thanks. Ikaw din mas sexy ka ngayon.”


“Uhurmmm!!!” Si Cindy.


“Who’s the girl?” Nakataas ang kilay ng ex-gf ko ng tapunan ka ng tingin.

“Wife niya!” Sagot mo. Nakataas din ang kilay mo. “You need something from my husband? Kasi kung meron pa hindi pwede kasi uuwi na kami ngayon.”


“Bukas pa tayo uuwi.” Pakli ko.


“Uuwi na tayo ngayon.” Matiim mong sabi. Nakakunot ang noo mo ng tapunan mo ako ng tingin.


“I didn’t know na under ka pala Sam. Ok, see you then.” Paalam ng ex-gf ko.


Nang makalayo ang ex-gf ko. “What was that all about?”


“Anong what was that all about?! Kaya pala nagmamadali ka tuwing Biernes sa pagpunta rito kasi nagkikita kayo ng ex-gf mo?”


“Ngayon ko lang siya uli nakita rito.” Sabi ko. “Pero noong gf ko pa siya madalas kaming nagweweekends dito.”


“Okay that’s it! Umuwi na tayo.” Galit ka na. Punung-puno ng selos. Namumula ang mukha mo. Napansin ko cute ka pala kapag nagagalit.


“Bukas pa tayo uuwi.”


“Sige. Ayaw mong umuwi? Uuwi akong mag-isa. Pakasawa ka sa ex-gf mo!”


Dumirecho ka na sa kwarto natin. Natatawa akong sumunod sa ‘yo. Pinagmamasdan kita habang nililigpit mo ang mga gamit mo. Nakatwo-piece ka noon at nakatapis ng sarong. May pumitlag sa puso ko. Di na ito manhid. Nang matapos ka sa pagliligpit ay dumirecho ka ng pinto pero nakaharang ako roon.


“Pararaanin mo ba ako o ano?” May halong galit na sabi mo.


Umiling ako. Sinubukan mo akong tabigin. Niyakap kita. Hinagkan ko ang mga labi mo. Nabigla ka. Pero ilang saglit lang ay gumanti ka ng halik. Sa mga oras na ‘yon nagbalik ang pananabik. Ang pintig ng puso ko para sa ‘yo. Dama ko ganoon ka rin. Muli nagsanib ang katawan natin tulad ng dati.


“Bakit ka nakangiti dyan?” Nakakalumbaba ka sa dibdib ko.


“Nagseselos ka sa ex-gf ko ‘nu?” Tukso ko.


“Hmp! Mas sexy pa ko ron eh.”


“Mahal mo ko?”


Itinapat mo ang hubad mong dibdib sa tenga ko.


“Ano naririnig mo?” Tanong niya.


“Dugudog-dugodog…” Sagot ko. Tumawa ako.


Kinurot mo ang pisngi ko. “Sabi niyan. Mahal ko si Sam…Mahal ko si Sam…”


“Hmmm…baka ibang name. Name ng ex-bf mo.” Tukso ko. Sumimangot ako.


Napansin mo wala sa kaliwang kamay ko ang bracelet na regalo mo noong 1st Anniversary natin.

“At nasaan kaya ang bracelet na niregalo ko sa ‘yo?”


“Nasa handbag ko.”


“Di ba ang sabi ko lagi mo yung isuot?”


“Ayoko malaglag sa dagat ‘yun kaya tinanggal ko.”


“Hmp! Kasi mabubuking na meron kang asawa.”


Itinaas ko ang ring finger ko. “Ito hindi ko tinatanggal kaya alam nila agad may asawa na ako.”


“Dapat lang!” Humikab ka at inilapat mo ang ulo mo sa dibdib ko.


“I love you Cindy…”


“Hmmm?!” Iniangat mo ang ulo mo ng bahagya. “Ano kamo?”


Niyakap ko siya at hinagkan ang labi niya. “I love you.”


Ngumiti ka. Nalaglag sa gilid ng mga mata mo ang luha.


“Oh bakit? Para saan ang luha na ‘yan?”


“Ngayon ko lang narinig sa ‘yo mga words na ‘yun.”


“Really? I always say it after nating magmake love. Natutulog ka kasi agad eh kaya di mo naririnig.”


“Bakit di mo sinasabi bago tayo magmake love or during nagmamake love tayo?”


“Hahahaha…”


“Next time sabihin mo ‘yun kapag gising na gising pa ako.”


“Opo.” Hinagkan ko ang noo niya. Niyakap ko siyang muli.


Tampuhan 3

(2 Feb. 2008, Jahan, Wa, Upper West, Ghana, Western Africa)

Isang okasyon sa nagdaang buhay ko si Claire. Stewardess siya. Masasabi kong minahal din namin ang isa’t isa. ‘Yun nga lang di ako nag-iisa sa buhay niya. Kung baga sa seaman kung saan maraming babae sa bawat port. Kahawig non ang lifestyle ni Claire. Inaamin naman niya ‘yun. Okay lang naman din sa akin. Basta akin siya kapag nasa Pilipinas. Di alam ni Claire ang pagpapakasal ko kay Cindy. Sinundo ko siya sa airport nang tawagan niya ako sa aking cellphone. Hinagkan nya ang labi ko nang makita niya ako.


“I miss you so much!” Wika niya.


“How’s your flight?” Tanong ko.


“Nakakapagod. Pero okay lang at least ngayon mahaba ang bakasyon ko.”


“How long will you stay?”


“3 months…”


“Matagal nga…” Naisip ko si Cindy.


Dumirecho kami sa Condo ni Claire. Pagkasara palang ng pinto ay hinagkan na niya ako sa labi. Maalab. Nakakadarang. Pero naisip ko si Cindy. Ang aking mahal na asawa.


“Claire, I got married…”


Napaatras ka. “Say that again?!”


“It was an arranged marriage. Pareho namin di gusto.”


“So you got married without informing me?!”


“I tried to call you pero di kita makontak.”


“That’s bullshit Sam! Maraming communication. Bakit di ka nag-email!”


“I’m sorry Claire…”

“There’s nothing to be sorry about. I don’t care if you married the queen of England. Basta kapag nandito ako sa Pinas akin ka!”

“Claire I can’t.”

Niyakap mo ako. Hinagkan ang mga labi ko. Naghahanap ang kamay mo. Binuksan mo ang zipper ng pantalon ko. Nadarang ako.

Umaga na ako umuwi. Nang icheck ko ang cellphone ko maraming missed calls at texts si Cindy. Nagshower ako bago tumabi sa kanya. Niyakap ko nang mahigpit ang asawa ko. Hinagkan ang batok niya.

“Saan ka galing? Tawag ako ng tawag sa cell mo di mo sinasagot.”

“Nalow bat…” Hinagkan ko ang mga labi mo.

“Saan ka nga galing?” Usisa mo.

“Nagloko ‘yung isang system ng branch. Nagtrouble-shoot ako.”

“Bakit di ka tumawag?”

“Matulog na tayo. Napapagod ako.” Hinagkan ko ang labi niya. Niyakap ko siya ng mahigpit.

Pero walang lihim na hindi nabubunyag. Sa Dad’s nahuli mo kaming dalawa ni Claire. Lumapit kayong dalawa ng kaopisina mo. Akbay ko noon si Claire. Sinusubuan naman ako nito habang kumakain kami.

“Hi Sam!” Pigil ang galit mo. “Di mo ba ako ipapakilala sa babaeng kasama mo?”

Nawala ang kulay ng mukha ko. Di ko alam ang gagawin. Samantalang si Claire ay nakatingin lang. Napapangiti. Alam na niya kung sino si Cindy.

“Ako na lang ang magpapakilala sa sarili ko Sam.” Wika ni Claire. “I’m Claire. Live-in Girlfriend ni Sam. And may I know who you are?”

“I’m her wife.”

“Oh, Sam told me about you when I arrived from my trip. Right honey?”

“A ganoon ba? Kasi di ka nababanggit ni Sam sa akin. Sana sumama rin ako sa pagsalubong sa ‘yo.” Ganti mo. “Anyways, mukhang ayaw umalis sa tabi mo ang asawa ko. Iwan ko na kayo at magsashopping pa kami ng friend ko. Nice meeting you Claire.”

“Same here Cindy, right?”

Tinapos ko ang anumang kaugnayan naming ni Claire ng gabing ‘yon. Mahal ko ang asawa ko. Nasaktan ko siya. Tatanggapin ko lahat ng parusa niya. Tahimik ang kabahayan ng dumating ako. Pumasok ako ng silid natin. Nakaimpake na ang mga damit mo.

“Gusto ko muna umuwi sa bahay ng parents ko. Masakit ang ginawa mo Sam. Di ko alam kung bakit mo nagawa sa akin ito.”

“Tinapos ko na ang lahat ng kaugnayan ko kay Claire kanina. I’m sorry.”

“Gusto ko umiyak kanina pero di ko nagawa sa sobrang sakit na naramdaman ko.”

“Cindy…”

“Ihatid mo ako sa Makati ngayong gabi. Maaari ba?” Pigil ang pagluha mo.

“Iiwan mo ako?”

Tumango ka. Hindi na kita pinigilan. Alam ko kailangan mong lumayo para maghilom ang sugat na ginawa ko sa puso mo. Naiintindihan kita. Bago ka bumaba ng kotse para pumasok sa bahay ninyo tinanong ko kung maaari kitang dalawin.

“Huwag muna siguro…” Nabasag ang tinig mo. “Mag-ingat ka palagi.”

Tumango ako. Nang pumasok ka na sa gate ninyo ay naramdaman ko ang luha sa mga mata ko. Mas nasaktan ako sa ginawa ko sa ‘yo. Parang nakakabingi ang katahimikan ng bahay natin pag-uwi ko. Sa unang gabi ng buhay ko na wala ka sa aking tabi ginugol ko ito sa pag-iyak. Nagring ang cellphone ko. Si Cindy.

“Check ko lang kung nakauwi ka ng safe.” Wika niya. “Puno pa ang ref. Huwag mo kalimutan kumain ng breakfast bago ka pumasok sa office.”

“Oo. Salamat…” Alam ko naririnig mo ang pagsinghot ko.

“Umiiyak ka ba?” Usisa mo.

“Yes…”

“Pareho pala tayo…” Nabasag ang tinig mo.

“I’m sorry, Cindy. I’m missing you so much.” Umiyak ako.

Narinig ko ang pag-iyak mo. “It hurts so much Sam.”

“I know…I’m really sorry.”

“Promise me you will take care of yourself…”

“Yes, I will. Ikaw din huwag mong pabayaan ang sarili mo. Kapag napatawad mo na ako tawagan mo agad ako. Sudunduin kita.”

Ibinaba mo na ang linya. Isang linggo ang pinalipas ko para magkaroon uli ng lakas ng loob na tangkain na makita ka.

“Pwede na ba kitang makita?”

“Araw-araw mo naman ako nakikita.”

“Paano naman nangyari ‘yon?”

“Kasi nakikita ko ang kotse mo sa tapat ng office namin tuwing uwian.”

“Check ko lang kung okay ka.” Medyo napahiya ako.

“Okay naman ako. Hindi masaya pero hindi na ganon kalungkot.”

“Mabuti naman. So pwede ba kitang sunduin mamya. Dinner tayo?”

“Lalabas kami ng mga kaopisina ko after office hours.”

“Some other time then?”

“Siguro…”

Maraming beses pa nang pagtanggi nang sa wakas ay pumayag ka. Habang kumakain tayo ay wala akong ginawa kundi pagmasdan ka. Ngunit di ka nag-aangat ng mukha para tingnan ako.

“Baka matunaw ako sa ginagawa mo.”

“Eh kasi mamya uuwi ka na uli sa parents mo. Matagal na naman tayo hindi magkikita.”

“At bakit matagal na naman tayo hindi magkikita?”

“Di mo pa ba ako napapatawad? Di ka pa ba ready umuwi?”

“Namimiss ko rin ang bahay natin. Pinatawad na kita. Gusto ko lang makalimutan ang sakit na nararamdaman ko kapag naalala ko ang ginawa mo sa akin. Tama na munang ganito tayo.”

Huminga ako ng malalim. Hindi na ako kumibo. Nang ihatid kita sa bahay ng parents mo hinagkan mo ang pisngi ko. Nakita mo nalaglag ang luha sa mata ko. Agad ko itong pinalis.

“Bakit ka umiiyak?” Tanong mo.

“W-wala masakit lang mata ko. Kailangan ko na sigurong magpalit ng eyeglasses.”

Nakita ko ang Daddy mo papalapit sa atin. “Kanina pa ba kayo diyan? Bakit di kayo pumasok sa bahay?”

“Good evening Sir. Hinatid ko lang po si Cindy.”

“Babalik ka ba sa destino mo sa Batangas niyan ngayong gabi?”

“Destino po?” Sinulyapan ko si Cindy.

“Yes, Daddy paalis na siya.” Bumaba na si Cindy ng kotse.

“Bukas ka na umalis ng madaling araw. Magkwentuhan muna tayo. Matagal na ring di ka dumadalaw dito eh.”

Naglabas ng beer ang Daddy ni Cindy. Sa verandah kami uminom. Nakadalawang bote rin ako. Napagkwentuhan namin ang mga kapilyahan ni Cindy noong teenager pa ito.

“Minsan pinatawag ako ng madre sa La Concordia. Madalas daw tumatawid sa bakod ang pilya para bumili ng mga junk foods sa labas kasama ng mga pilya rin niyang kaklase. Alam mo ba naospital yan dahil don.”

Tumawa ako. Sinulyapan ko ang kwarto ni Cindy. Bukas pa ang ilaw. Gising pa siya. Nagkwento rin ang Daddy mo noong mambabae siya. Paano muntik nang masira ang pamilya nila.

“’Yun ang pinakamalungkot na parte ng buhay ko nang saktan ko pamilya ko. Mabuti na lang mabait ang anak ko hindi siya nagrebelde tulad ng ibang kabataan. Siempre ang asawa ko, hindi niya ako pinalitan agad. Pinatawad pa rin ako.”

Nang pumasok ako ng kwarto mo ay tulog ka na. May nakahandang pajama sa gilid ng kama. Nagshower ako. Nagbihis. Marahang nahiga sa tabi mo. Gusto kitang yakapin. Halikan. Muling maramdaman ang init ng katawan mo. Pero di ko ginawa. Natatakot akong tanggihan mo. Iginala ko ang aking mata sa kwarto mo. Sa study desk mo ay naroon ang picture natin noong bagong kasal tayo. Napangiti ako. Ipinikit ko ang aking mga mata. Pagsikat ng araw nagulat ako nang sa hindi malaman paraan ay yakap kita. Siya naman ay himbing na himbing sa kanang braso ko. Nakayakap sa akin. Marahan ko siyang hinagkan sa noo. Marahan bumukas ang mga mata mo tila naalimpungatan ka. Sumilay ang ngiti sa mga labi mo.

“Good morning, Sam.” Hindi ko inaasahan na hahalikan mo ang pisngi ko. Muli ipinikit mo ang mga mata mo. “Tulog pa tayo.”

Muli ginising ko ang sarili ko. Nanaginip ba ako. Hindi na siya galit? Pinatawad na ba ako?

“Papasok pa tayo sa office.” Bulong ko.

“Hindi ako papasok…” Sagot mo sa gitna ng pag-idlip. “May pasok ka ba ngayong Sabado?”

Sabado? Di ko na namamalayan ang mga pagdaan ng araw.

“I love you Cindy.”

“Bolahin pa raw ako.”

“Uwi na tayo mamaya?”

“Malinis ba ang bahay?”

Ang bahay namin. Magmula nang umalis siya ay napabayaan ko ito. Tumigil ang pag-inog ng mundo ko nang iwan niya ako.

“Kapag nilinis ko ba ang bahay uuwi ka na?”

“Linisin mo muna…”

“Okay! Sabi mo ‘yan ha.” Hinalikan ko ang labi mo bago ako bumangon.

Maghapon kong nilinis ang buong kabahayan. Ang tagal ko itong napabayaan. Alas 5 na ng hapon nang tawagan kita sa cellphone. Pagod na pagod ako.

“Tapos ko na linisin ang bahay. Uuwi ka na ha? Sunduin na kita ngayon?”

“ Tingnan ko. Aattend kami birthday party ng Mommy.”

Nadismaya ako sa sinabi mo. Uminit ang ulo ko. “Niloloko mo ba ako?”

“Niloko kita? Sabihin mo nga ‘yan sa sarili mo.” Medyo uminit na rin ang ulo mo.

“Kapag hindi ka umuwi ngayong gabi pababayaan na kita.” Matiim kong sabi.

“Tinatakot mo ba ako? Babalik ka kay Claire? Go ahead then!” Mataas na ang boses mo. “Wala na akong pakialam kung ano man ang gawin mo sa buhay mo.”

“Wala na kami ni Claire. Umalis na siya ng bansa.”

“Yeah right! Pero pagnarito uli siya sa Pilipinas kayo uli ganoon ba?”

“Tinapos ko na ang lahat sa amin ni Claire.”

“Alam mo ba Sam kung gaano kasakit na makita kang akbay mo si Claire sa harap ng maraming tao? Sa harap ng kaibigan ko? Sana sinampal mo na lang ako.”

Hindi ako nakakibo sa sinabi mo. Pinutol mo na ang linya. Nang gabing ‘yon pumunta ako ng Batangas. Alas 9 ng gabi nagring ang cellphone ko.

“Nasaan ka?” Si Cindy. Himig inis.

“Batangas…” Mahina kong sagot.

“Kasama mo ex-gf mo?”

“Nag-iisa lang ako.”

“Narito na ako sa bahay natin. Nilinis mo nga.”

Hindi ako kumibo. “Kailan ka uuwi?” Tanong mo.

“Kung uuwi ba ako sa bahay natin ngayong gabi maaabutan ba kita diyan? Di mo na ako uli iiwan?”

“Umuwi ka muna…” Sabi mo.

Nakapagrecord siguro ako ng mabilis ng pagtakbo ng sasakyan mula Batangas patungong Quezon City. Isang oras at kalahati lang ang ginuguol kong oras. Anong saya ko ng makita kong nakapambahay ka nang pagbuksan mo ako ng pinto. Niyakap kita nang mahigpit. Hinagkan ko mga labi mo.

“Ano ba maligo ka nga muna. Amoy dagat ka eh.” Itinulak mo ako ng bahagya.

“At least amoy dagat at hindi amoy babae.” Tukso ko.

“Hmp! Subukan mo uli.” Umirap ka.

“Hindi na po mangyayari ‘yon. Pinapangako ko sa ‘yo.”

“Talaga lang ha.” Lumabi ka.

“Namiss mo na ako ‘no?” Tukso ko pa uli.

“Hinde. Nag-eenjoy na nga akong maging single uli eh. Kaya lamang pinauwi na ako Daddy. Ang tagal ko na raw nakababad sa bahay namin. Meron naman daw akong sariling bahay.”

“Ganoon?!” Pinangko ko siya. “Ipokrita ka talaga. Bakit ang bigat mo na?”

“Kasi buntis ako.”

“Talaga?”

“Two weeks na po.”

Nang gabing ‘yon muli naming minahal ang isa’t isa. Alam ko marami pang pagsubok. Pero ang mahalaga kami uli. Magiging tatlo na kami.

- Wakas Muna -