Saturday, May 17, 2008

Silipin Natin Ang Buwan

(5 February 2008, Jahan, Wa, Upper West, Ghana, West Africa)

Inisip ko ng maging single na lang ako habang buhay nang makilala kita. Sa isang night out ‘yon kasama ko ang matalik kong kaibigang si Fred. Kaibigan ni Fred ang mga kasamahan mo sa bar na ‘yon sa Ortigas.

“Single ba ‘yang friend mo Fred?” Tanong ng babae sa grupo mo.

“Abah oo naman. Tagal ng single yan eh. Mukhang balak ng pumasok sa seminario.”

“Tamang-tama meron na ring malapit magmadre sa grupo namin.”

Tawanan. Tuksuhan. Sinulyapan kita. Ngumingiti ka lang sa mga kantyawan. Inuman pa. Tayo lang yata ang hindi lasing sa mga kasamahan natin.

“Hello I’m Bobby…” Inilahad ko ang kamay ko sa ‘yo.

“Abbey.” Inabot mo ang kamay ko.

Purchasing Manager siya sa isang government agency. Ako naman ay isang Area Sales Manager sa isang pribadong kompanya.

“Hmmm…Area Sales Manager ka. Eh di ang dami mo palang gfs niyan sa bawat area na binibisita mo.”

“’Yan yata ang di totoo sa akin.” Sagot ko. “Ikaw naman siguro dami mong commission sa mga procurements.”

“Hahahaha...’Yan yata ang di totoo rin sa akin.”

Mga lasing na na kasama natin maliban sa ating dalawa. Tumingala ka sa langit. Nakita kong sumilay ang ngiti mo sa mga labi mo. Bilog ang buwan. Maaliwalas ang langit.

“Mukhang may naalala ka…” Puna ko sa kanya

“Oo.”

“Ex-boyfriend?”

“Hmmm…yes.”

“Swerte naman niya.”

“Baket mo naman nasabi yan?”

“Eh kasi meron nag-iisip sa kanya.”

“Siguro ikaw rin. Meron mga babaeng nag-iisip sa ‘yo sa mga oras na ito.”

“Hahahaha…may mga asawa na sila. Wala na silang oras para isipin pa nila ako.”

Ayaw pang magsiuwi ng mga kasama natin kahit madaling araw na. Tayo lang ang gustong umuwi na. Kaya naglakas loob na kong ihatid ka.

“Okay lang ba na ihatid kita?”

“I would like to kaya lang may dala akong kotse.”

“Eh di ako na lang ihatid mo.” Biro ko.

“Hahahaha…sure why not.”

Napansin ko mabilis kang magdrive. “Don’t worry Bobby makakauwi ka ng buhay.”

“I hope so.”

“Tell me bakit single ka pa? Di ka naman siguro bakla.”

“Kung sasagutin ko ba ‘yan. Sasagutin mo rin ang tanong mo?”

“Hahahaha…sige.”

“Nagsasawa na siguro akong makipag-gf. Kaya tinigilan ko na ang panliligaw. Naramdaman ko okay naman pala ang maging single na lang. Ikaw?”

Bumuntunghiniga ka. Mapait kang ngumiti. “Nabroken hearted ako. Nagpakasal sa iba ang boyfriend ko.”

“Wala na bang ibang pumalit?”

“Ewan ko. Nawalan na ako ng tiwala sa mga lalaki eh.”

“May mga natitira pa sigurong matinong lalaki sa mundo.”

“Hmmm…tulad mo?” Biro mo sabay tawa.

“Yeah. Sa tingin ko matino naman ako.”

“Sigurado ka sa mga sinasabi mo?” Biro mo uli.

“Gusto mo i-try?” Sagot ko sa biro mo.

“Seryoso ka ba sa proposal mo?”

“Yeah. Tutal matagal na rin naman akong single. Ikaw naman ay ganon din.”

“Sige try natin.”

“Seryoso ka ba diyan sa sinabi mo?”

“O bakit bigla kang natakot yata.”

“Hindi naman kaya lang di mo pa ko nakikilala ng lubos.”

“I know Fred. Kapag nagloko ka pwede ko siyang sisihin.”

“Hahahaha…”

Nagulat si Fred ng sabihin ko girlfriend na kita. “Pare ang bilis naman yata. Love at first sight ba?”

“Hindi. Nagdare kasi siya.”

Nagring ang cellphone ko. Si Abbey.

“Hi! Kumain ka na?” Tanong mo sa kabilang linya.

“Palabas palang kami ni Fred ng office for lunch. Ikaw kumain ka na ba?”

“Yeah. Katatapos lang. Sige nagcheck lang ako.”

“Check?”

“Hahahaha…Yeah. Masama ba icheck kung nakakain ka na? Di ba yan ginagawa ng mga ex-gfs mo sa ‘yo?”

Napangiti ako. “Sorry. Matagal na kasing walang nagchicheck kung kumain na ko.”

“Oh well, masanay ka na. Sige bye na I’ll see you later?”

“I’ll see you later? May pupuntahan ba tayo mamya?”

“Yes. Ihahatid mo po ako sa bahay namin. May lakad ka ba mamya?”

“Yeah…susuduin kita.” Napakamot ako sa ulo.

“Napasubo ka noh!” Tukso ni Fred.

“Hindi naman…”

Nang sunduin kita kinahapunan ay nagyaya akong manood ng sine.

“Manonood lang tayo ng sine ha.” Paniniguro nito.

“Ummm…nanghahalik ako sa loob ng moviehouse eh.”

“Ay naku umuwi na lang tayo at sa bahay na lang tayo manood ng dvd.”

“Wala bang tao sa bahay ninyo?”

“Siempre meron.”

“Eh papaano tayo makakapanood kung maraming tao.”

“Hayy…sige manonood tayo ng sine pero di mo ko pwedeng halikan. Kasi di ko ugali makipaghalikan sa loob ng moviehouse.”

“Hmmm…sige try ko wag gawin.”

Sa loob ng sinehan. Pumayag kang hawakan ko ang kamay mo. Humilig ka sa balikat ko. Hinagkan ko ang gilid ng noo mo.

“Baka saan mapunta yang halik mo ha.”

“Ayaw mo naman eh.”

“Mabuti alam mo.”

Pero hindi ako pumayag na hindi siya mahalikan bago siya bumaba ng kotse.

“Baka meron makakita sa atin.” Tanggi niya.

“So? Girlfriend naman kita.”

“Hayyy Roberto …”

Isang madaling dampi ng labi ang iginawad ko. Sumilay ang ngiti sa mga labi mo at lumabi ka. “Nakakarami ka na ng score ha.”

“Smack lang yan kaya.” Kinabig ko siya at hinalikan nang matagal.

“Ikaw talaga…” Ang nasabi na lang niya nang bitawan ko siya.

“Isa pa…”

“Tama na. Next time na lang ulit.” Kinurot niya ang pisngi ko.

Masaya naman ang relasyon namin. Walang commitment. Walang limitations. Hanggang maabutan ko ang isang lalaki na kausap mo sa verandah ng bahay niyo. May inis akong nadama. Nakita mo akong nakatayo noon sa gate. Tumayo ka para salubungin ako.

“Kanina ka pa ba riyan?”

“Hindi naman. May bisita ka yata.”

“Si Albert, ex-boyfriend ko. Napadaan lang siya.”

“Ganoon ba. Dapat pa ba ako tumuloy?”

“Oo naman.”

“Babalik na lang ako. Mag-usap na muna kayo.”

“Bobby?! Paalis na siya.”

“Okay lang.” Wika ko. Umuwi ako ng bahay na inis.

Makalipas ang dalawang oras ay nagring ang telepono. Si Abbey.

“Tulog ka na ba?”

“Patulog palang. Baket?”

“Mukhang masungit ang boyfriend ko ah.”

“Umalis na ba ang ex-boyfriend mo? Bakit pala dumalaw yon sa ‘yo?”

“Umalis na siya nang makita ka. Tiningnan mo kasi ng masama.”

“Ganon. Kasalanan ko pa.”

“Asus…nagseselos ka ano?”

“Di ba ako dapat magselos? Natural lang na magselos kapag meron umaamuyong sa girlfriend.”

Tumawa ka. “Ano ba dapat kong gawin para mawala ang inis mo?”

“Kung hihilingin ko ba ibibigay mo?” Pilyo kong sabi.

“Depende kung ano hihilingin mo.”

“Pwede ka ba rito matulog bukas?”

“Hmmm…matutulog lang ha.”

“Hahahaha…na katabi ako.”

Di ka umimik sandali. “Seryoso ka ba sa sinasabi mo?”

“Anim na buwan na kitang girlfriend di ba? Di ba natural lang na hingin ko ‘yon? Pareho na naman tayong adult.”

“Oo pareho tayong adult pero I still believe in sex after marriage.”

“Meaning kailangan pakasalan muna kita bago tayo magmake love?”

“Oo. Kailangan pakasalan mo muna ako.”

“Kasal? Seryoso ka ba sa sinasabi mo?”

“Di ba pareho na tayong adult? At ang adult nagpapakasal na.”

Ako ang napaisip. Handa na ba ako sa commitment? Ako naman ang hindi nakakibo.

“Di ka na kumibo diyan.” Nahimigan ko natatawa ka.

“Iisipin ko muna. Matulog na tayo. Goodnite.”

Minsan nang sunduin kita ay wala ka sa opisina ninyo. Tinanong ko ang mga kasama mo sa opisina. Sinundo ka raw ng ex-boyfriend mo. Nagring ang cellphone ko.

“Nasaan ka?”

“Nandito sa office ninyo.” Medyo inis na sagot ko.

“Hintayin mo ako. Pabalik na ako ng office.”

“Di ba kasama mo ex-boyfriend mo? Bakit di ka na lang pahatid sa bahay ninyo.” Pinutol ko na ang pag-uusap namin. Nagring muli ang cellphone. Di ko na sinagot. Umuwi na naman akong inis.

Alas nuwebe ng gabi ng may kumatok sa pinto ng apartment ko. Sinilip ko muna sa bintana kung sino ito. Laking gulat ko nang makita kita.

“Gabi na ah.” Wika ko. “Di ka ba hinatid ng ex-boyfriend mo?”

“Nagpahatid ako rito.” Medyo inis mong sagot. “Di mo ba ako papasukin?”

Pinapasok ko siya. “Kumain ka na ba?”

“Hindi pa. Ikaw?”

“Oo. Teka ipaghahain kita.”

“Ako na lang. Saan ba ang kusina mo?”

Nawala ang inis ko nang makita kitang gutom na gutom. Natatawa ako at naaawa sa itsura mo.

“Mukhang kuripot ex-boyfriend mo ah. Di ka man lang pinakain bago ka ihatid dito.”

“Niyaya naman niya akong magdinner kaya lang ayokong magalit ka kaya nagpahatid na ko rito.”

“Bakit ka nagpahatid dito? Di ba dapat sa bahay ninyo ka umuwi.”

“Di ba sabi mo para mawala ang inis mo dito ako matutulog?”

“Akala ko ba naniniwala ka sa sex after marriage? At di ko pa kayang pakasalan ka kasi wala pa akong savings.”

“So ayaw mo akong matulog dito?”

“Hahahaha…siempre naman gusto.”

Ang bango-bango mo nang tumabi ka sa akin. Suot mo ang mahaba kong t-shirt. Niyakap kita. Hinagkan ko ang labi mo.

“Pwede hanggang kiss at yakap lang muna tayo?” Pakiusap mo.

“Abbey, nasa kama kita. Teritoryo ko ito. Hindi yata maaari yang sinasabi mo.”

“Maaari kung gagawin mo para sa akin.”

Nakikiusap ang maganda niyang mga mata. “Hayyyy naku. Siya sige.”

Nakatulugan ko nang yakap siya. Pero nagising ako nang maramdaman kong nabasa ang t-shirt ko. Umiiyak ka.

“Baket?” Tanong ko.

“Wala…” Sumiksik ka lalo sa dibdib ko. “Matulog na tayo.”

“Maaari ba na iiyak ka ng walang dahilan.”

“Wala nga…”

“Ano ba nangyari kaninang kasama mo ex-boyfriend mo?”

“Bobby mahal mo ba ako?”

“Siyempre naman.”

“Gustong bumalik ni Albert. Maghihiwalay na raw sila ng asawa niya.”

“Mahal mo pa siya?”

“Di ba ikaw lang ang dapat kong mahalin? Ikaw ang boyfriend ko ngayon.”

“Abbey, ayokong itali ka sa relasyon na hindi ka masaya. Kung mahal mo pa si Albert. Its not a problem on my part. Kasi hindi rin ako magiging masaya later on.”

“No. Ayokong maghiwalay tayo. Tapos na kami ni Albert. Matagal na nang magpakasal siya sa babaeng ‘yon.”

“Don’t fool yourself.”

Nang ihatid ko si Abbey sa bahay nila ng umagang ‘yon ipinasya kong lumayo muna sa kanya.

“I’m giving you time to think. Huwag muna tayong magkita.”

“Don’t give me up Bobby.”

“I’m not giving you up. Gusto ko lang mag-isip ka. Para di ka magsisi bandang huli.”

Naramdaman kong namimiss kita makalipas ang isang linggo. Kay Fred na lang ako nakikibalita sa mga activities mo.

“Alam ko may company seminar sila sa Baguio.”

“Ilang araw?”

“One week yata. Pupunta ako ng Baguio bukas gusto mo sumama?”

Nang makita kita sa Camp John Hay ay gustong lumukso ng puso ko. Gusto kita yakapin. Halikan.

“Pasalubong ko sa ‘yo galing Manila.” Bungad ni Fred sa ‘yo.

“Hi…” Bati ko sa ‘yo.

“Sus Hi lang wala bang kiss.” Tukso ni Fred.

Lumapit ka sa akin at hinagkan mo ang labi ko. Niyakap mo ako nang mahigpit.

“I miss you…” Bulong mo sa tenga ko.

“I miss you too…”

Pinalis mo ang nalaglag na luha sa mga mata mo. Pinalis mo rin ang luhang pumatak sa mga mata ko. Kapwa tayo natawa.

“Hay naku…sige iwan ko muna kayo. Nakakainggit kayo eh.” Paalam ni Fred.

“Hahahaha…salamat pare.”

Nang mapag-isa na kami.

“Sinundan mo ba ko talaga rito?” Tanong mo uli sa akin.

“Di ba obvious?”

Niyakap mo ako uli. Hinagkan mo ang pisngi ko.

“Abbey, let’s get married.”

“Bobby…”

“Well?”

“Are you sure?”

“Itatanong ko ba ‘yan sa ‘yo kung hindi.”

“Wala ka pa kamong savings?”

“Kailangan ba engrande ang kasal? Di ba pwede sa huwes na lang tayo?”

“Ayaw mo ba akong nakitang nakadamit pangkasal?”

“Gusto…”

“Then we’ll save for it. Pagtutulungan natin.”

Natuwa ako sa sinabi mo. Ito ang babaing gusto kong makasama habang buhay.

- The End -