Thursday, March 13, 2008

Sa ‘Yo Lang

(January 2008, Jahan, Wa, Upper West, Ghana, West Africa)

“Kelan ka ba mag-aasawa?” Usisa ng Tita Sabel niya. “42 years old ka na baka nakakalimutan mo.”

Inaayos ni Sam ang bisekleta niya noon sa garahe nila.

“Tita nagsasawa ka na ba ng kakaalaga sa akin at tinataboy mo na ko?”

“Hindi naman hijo kaya lamang matanda na ko. Kelan ba magkakaroon ng bata itong bahay natin.”

“Sus bata lang pala. Eh di hiramin mo ang mga anak ni Kuya Tom.”

“Hayyy…”

Nagring ang telepono. “O Delia napatawag ka? Sino kamo ang uuwi? Ah si Alice…”

Papasok na sa kabahayan si Sam ng tawagin siya ng Tita niya. “Etoh si Sam kausapin mo.”

“Hello Sam, kumusta ka?”

“Mabuti naman. Sino po sila?”

“Si Alice nakalimutan mo na ba ako?”

Muntik ng bitawan ni Sam ang telepono. Naningkit ang mga mata. Nagtiim ang mga bagang niya. Muli nagbalik ang alaala.

“I’m sorry Sam di ko matatanggap ang pag-ibig mo.”

“Baket? Meron kang ibang mahal?”

“Gusto kong mag-abroad…”

Hinawakan niya ang mga braso ng dalaga. Mariing hinagkan ang mga labi. May luha ang mga mata ni Alice ng bitawan niya ito.

‘Alam kong mahal mo ako. Maghihintay ako.”

“Ayokong umasa ka. Mahirap ang magkalayo.”

Alice, wag mong gawin sa akin ito. Ikaw lang ang babaing minahal ko.”

“Sam, I’m sorry.”

Naputol ang gunita nang marinig muli niya ang boses ni Alice.

“Sam? Nandiyan ka pa ba?”

“Oo. Anong kailangan mo?” Pormal na sagot niya.

“Galit ka pa ba sa akin?”

“Matagal na panahon na yon. Nakalimutan ko na.”

“Mabuti naman. May ipapakiusap sana ako kung pwede lang.”

“Ano ‘yon?”

“Maaari mo ba ako sunduin sa airport?”

“I’m sorry busy ako siguro si Kuya Tom na lang.”

Inagaw ng Tita Sabel niya ang telepono. “Oo, hija susunduin ka niya sa airport.”

Sa Airport isang oras ng naghihintay si Sam. Nagulat siya ng kalabitin ng isang magandang babae. Si Alice!

“Hi Sam! Nainip ka ba?”

Ngiti lang ang sinagot niya. Pero muli naramdaman niya ang sakit na dinulot ng dalaga sa kanyang dibdib. Pagkakuha ng mga bagahe ay dumirecho na sila papuntang Calamba.

“Ang laki na ng pinagbago ng South Superhiway. Bumilis ang biyahe. Kumusta pala ang Tita Sabel?”

“Mabuti naman siya.”

“Ikaw kumusta na? Bakit di ka pa nag-aasawa?”

“Bakit di ka pa rin nag-aasawa?” Binalik niya ang tanong sa dalaga.

Tumawa si Alice. “Galit ka pa ba sa akin?”

Hindi sinagot ni Sam ang tanong ng dalaga. Napansin nito na kumunot ang noo ng binata.

Alice could you do me a favor?” Seryosong sabi ni Sam.

“Ano yon Sam?”

“I don’t want to talk about it anymore.”

“Talk about what?”

“Alam mo kung ano ‘yon.”

“I don’t know what you are talking about.”

Itinabi ni Sam ang sasakyan sa kanang bahagi ng hi-way.

“Bakit mo hininto ang sasakyan?”

“Kasi naiiinis ako. Gusto ko palipasin ito.”

“Ano ba kinaiinis mo? Ang pagsundo sa akin?”

“Oo.”

“I’m sorry. Di ko alam na galit ka pa sa akin.”

“Hindi na ako galit. Pero hindi ko gusto ang nararamdaman ko ngayon. Nakalimutan na kita bakit nagpakita ka pa uli. Okay na ako eh.”

“Ganyan katindi ang pagkamuhi mo sa akin?”

“Hindi kita kinamumuhian, Alice. Noong umalis ka masakit. Ang hirap. Lagi akong naglalasing noon. Pero okay na nga ako ngayon eh. Bakit dumating ka uli.”

“Sa palagay mo hindi rin naghirap ang damdamin ko noong iniwan kita? Sa akala mo ba hindi ko iniyakan ang pagtanggi ko sa pag-ibig mo? Sa pagtulog ko hindi maaaring di ako umiiyak kapag naaalala ko ang sakit na dinulot ko sa ‘yo.”

“Baket? Minahal mo ba ako?”

“Kung sasabihin ko bang Oo minahal kita maniniwala ka pa ba?”

“Yan siguro ang malaking kasinungaling narinig ko mula sa ‘yo” Mapait na wika niya.

Huminga ng malalim si Alice. Dinama ng palad nito ang pisngi ng binata. Ginagap ng dalawang palad niya ang mukha ni Sam. Iniharap sa kanya. Nalaglag ang luha sa mga mata ni Sam. Niyakap ni Alice si Sam. Mahigpit. Hinagkan ang pisngi niya.

“I’m sorry…”

“Iniwan mo ako…”

“Nandito na ako, Sam. Di na kita iiwan.”

“Pakakasal ka ba sa akin? Dumirecho tayo kay Mayor ngayon.”

“Yan ba ang gusto mo? Ayaw mo akong makitang nakawedding gown?”

“Pagkatapos ng kasal natin kay Mayor.”

Hinagkan ni Alice ang labi ni Sam. Nagulat si Sam sa ginawa ng dalaga. Napahiya si Alice. Pero ang binata naman ang humalik sa labi niya.

- WAKAS -

No comments: