Its been more than 2 weeks na hindi kami nag-uusap ni Ems. Yes, nalulungkot pa rin ako. Namimiss ko pa rin siya. Meron kanta akong madalas tugtugin ngayon. Ang title ng song ay Unbreakable Heart ni Jessica Andrews. Well, siguro para sa aming dalawa ang kanta na yon. Ako para sa kanya Siya naman para roon sa “Ex-girlfriend” niya. Sabi ni Ate Connie natural daw na mamimiss mo ang isang tao kapag di mo na siya nakikita at nakakausap pero lilipas daw iyon at masasanay kang wala na ito sa buhay mo. Siguro dapat na hayaan ko ng magkaganoon kaming dalawa ni Ems. Wala na sigurong pag-asa na hiwalayan pa niya ang kanyang “Ex-girlfriend”. Nakakatawa na “Ex-girlfriend” ang tawag niya wherein fact ito ang huli niyang kasama noon bago siya lumipad papuntang Singapore. Nakakahinayang si Ems. Naaawa ako sa kanya. Nasanay na siyang sinasaktan. It seems parang nag-eenjoy na siyang nasasaktan siya. Alam ko kaya nangyari ‘yong away namin ni Ems kasi nakita ng Diyos na nasasaktan na ako. Kailangan ko ng magmove on. Meet new people na hindi ko nagagawa noong nag-uusap pa kami ni Ems. Dapat tigilan ko na rin ang kahibangan na magiging kami pagdating ng araw. Sino kaya ang babaing naghihintay para sa akin…
Hayyy…paano kaya ako magkakaroon ng bagong girlfriend. Si Jay tinadtad ng I love you ang mga testimonies sa friendster ko. Ah ang aking si Jay. May Ultimate Femme! Sayang nga lamang may asawa na siyang Briton. May perfect partner. Sino kayang hot-blooded human ang hindi maloloko sa alindog ni Jay. Pero natutuwa pa rin ako kahit hindi kami mahal namin ang isa’t isa. Gusto ko na siyang makita. Sana mag-abot kami next year sa Pilipinas.
No comments:
Post a Comment