Friday, October 12, 2007

Sulat Para Kay Ems

Sulat ko sana kay Ems bago kami nag-away noong October 5, 2007. Paano ba naman tinawagan pa ako rito sa Ghana para lang pagalitan kasi grab ko raw ung isang pix sa friendster ng ex-jowa niya. Siya lang 'yung feeling shitty tapos gusto pa ipasa sa akin. Kaya ayun world war kami for the nth time.


Ems,

It’s been a very very very long time since I wrote a personal email to someone who’s very dear to me. Pero iilan lang sa mga naging gfs ko ang pinadalhan ko ng sulat. Well, exception ka siguro kasi di naman kita girlfriend. Tinatanong ko nga sarili ko bakit hindi nawawala itong nararamdaman ko sa ‘yo kahit ilang beses mo nang sinasabi sa aking “ayokong paasahin ka” or “hindi pa ako buo” or “I wish I can reciprocate blah blah blah” at marami pang statement of refusals. Pinagagalitan na nga ako ni Anne bakit daw ang kulit ko eh wala naman akong pag-asa sa ‘yo. Sa ngayon pinag-aaralan ko nang pigilan at kalimutan itong nararamdaman ko sa ‘yo dahil darating ang araw na magkakaroon ka ng girlfriend or partner at unfortunately di magiging ako yun. Siguro malaki maitutulong ang pagkaka-assign sa akin dito sa Ghana para gawin ang dapat ko ng ginawa noong unang beses mo akong nirefuse. Sa dami ng ginagawa ko at gagawin kong trabaho masyadong pagod na ako para mag-isip pa pag-uwi plus pa ang layo ng nilalakad ko araw-araw pauwi at papasok ng office. Pero I know malulungkot pa rin ako kapag nalaman kong meron ka ng gf or partner. Napaka-ironic talaga ng lovelife ko. Nakita ko na sana ang babaeng ideal maging partner ko sa buhay. Alam mo habang nakikilala kita mas lalo ko nakikita yung qualities na gusto ko sa babaeng mamahalin ko. Kaya lang I can’t make you love me. Siguro sa part mo nakikita mo sa akin ang mga qualities na ayaw mo sa partner mo. Pero nagtataka rin naman ako sa ‘yo sa dinami-dami ng away natin eh di ka pa rin bumibitaw sa pakikipag-usap sa akin. Magsorry lang ako eh pinapatawad mo na agad ako. Kaya hindi rin siguro kita mabitawan. Sabi nga ng mga henyong kaibigan ko eh I should stop talking to you and move on kasi wala naman daw akong mapapala. Pero I refuse to do that kasi di naman maging gf ka lang ang habol ko. Kailangan ko rin ng kausap kahit minsan nakakabore kang kausap kasi busy ka sa kung sino man. Akala mo di ko alam ha. Gawain ko rin yata yan noon. Besides tolerable naman pagkabitchy mo. Minsan I find it cute kapag nagagalit ka sa akin. It makes me smile lalo na kapag inaaasar pa kita lalo. Pero kapag di ka na kumikibo eh di ako mapalagay. Paciencia ka na mahilig talaga ako mang-asar at madali rin akong mapikon.

Alam mo minsan nagiging intense ung nararamdaman ko sa ‘yo at gustung-gusto kong sabihin “Ems, I love you” or “Ems, mahal kita”. Pero sasabihin ko palang yung first syllable ng mga salitang yun eh alam ko na isasagot mo kaya naiipon na lang siya sa utak at puso ko at nasasabi ko na lang sa sarili ko bakit ba hindi ako kayang mahalin ng babaeng ito. I would like to understand na objective and practical ka sa pagpili ng magiging gf at sa criteria mo eh bagsak agad ako sa pagkamainitin ng ulo ko. Pero di lang naman pagkamainitin ng ulo ang isa sa mga qualities ko, barumbado rin ako hehehe. Seriously, dapat tanggapin ko ng di magiging tayo. Naiisip ko nga kahit siguro pumunta pa ako ng Singapore at tutukan kita ng panliligaw eh basted pa rin ako. I know how it feels kapag ayaw mo sa taong nagkakagusto sa ‘yo or gustung-gusto ka. It’s a very odd feeling. Nakakatawa nga ang statement ni Jay noon na ginto ba raw ang “Ano” mo at binabalak kong pumunta ng Singapore. Hay naku di talaga ako tinatantanan sa pagnanag about pupunta ako ng Singapore noon. Tumahimik lang noong lumipad na ako papuntang Ghana. Two days ago nakausap ko si Jay sa YM. Bakit di ko raw siya tinitext siguro raw eh inuubos ko load sa katitext sa ‘yo. Paano kaya niya nalaman ‘yun. Buti hindi niya alam na tinatawagan din kita hehehe. Lapit na birthday ko. Wala man lang akong mahahalikang lips and definitely I wouldn’t get laid. Magaganda sana ang mga puting kasama ko kaya lang mukhang di naman naliligo. Lalong ayoko naman kahalikan mga labi ng mga itim dito. Ang laki-laki ng lips nila. Hayyy…kailan ko kaya mahahalikan ang lips ng babaing binasted-basted ako. Bakit kasi natotorpe ako noon kapag kasama ka na. Gusto ko lang tingnan ang magaganda mong eyes. Dapat pala eh minanyak-manyak na kita noon kasi pupunta naman ako ng Africa. Haba na sulat ko. 12mn na dito at 8am naman jan sa Singapore. Papasok ka na eh natutulog naman ako or patulog. Kapag ako naman papasok sa office eh pauwi ka na. Oh cia sleep na ako. Marami-rami na kong kagat ng lamok sa hita baka malariahin ako. Ingat ka lagi ha.

Dapat ng maggive up maging gf ka,

Sam

No comments: